Sunday, July 20, 2008

Kalahati

First time I heard this painfully beautiful poem was when it was used in one of the entries in Cinemalomo 2007. The video though had a heavily edited version of the poem, so I was really thrilled when I came across its complete version here!

~oOo~

Kalahati.
Isang salitang kahit ang kahulugan ay bawas.
Hindi sapat.
Kulang-kulang.

Kalahati.
Isang salitang kahit ang kabuuan ay hindi hahantong
sa isang kumpletong rebolusyon ng gulong ng isang lumang bisikleta.
Isa siyang salitang sawi at minsa’y wala naman talagang laman.

Ako?
Matatawag akong taong kalahati.
Oo, merong ganong klase ng tao sa mundo.
Mga taong lumalakad sa ibabaw ng lupa na may sira,
naluluma at wala nang pag-asang mabuo.

Kalahating katawan.
Kalahating isip.
Kalahating kaluluwa.

Minsan sa paglalakad mo, may makakasalubong kang taong bawas.
Tumingin ka nga sa mga mata na wala roon?
Damhin mo nga ang pulso na wala namang tibok?
Subukan mo ngang ibalik ang ngiting minsa’y nagsayaw
sa hangganan ng kanyang mga labi?

Kapag bumalik na siya.
Ang nawawalang kalahati ng lahat
na pinanghahawakan kong banal at may buhay at may saysay.
Doon at doon lang ako mabubuong muli.

Sa mga mata niyang sumisingkit pag siya ay natatawa.
Sa mga paa niyang may mga payat na daliri at makukulay na kuko.
Sa paggising na nakadantay ang ulo niya
at nakapalibot ang mahabang buhok sa aking balikat at kamay.
Sa amoy ng pinakahilig niyang pagkain
na sumasabay sa saliw ng kanyang ngumunguyang bibig.
Sa halimuyak ng unan ko matapos ng isang gabing puno ng sabik.
Sa tanging lungkot na nakabalot sa kanya kahit pareho kaming masaya.

Dati kaming masaya.
Dati kaming masaya.

Kalahati.
Ang lahat ng bagay ay nahahati sa dalawa.
Masama at mabuti.
Itim at puti.
Tama at mali.
Saya at lungkot.

Kalahati.
Dalawa ang taong naninirahan sa aking kaluluwa.
Parehong nagpupumiglas at tila walang kapagurang
nakikipagpaligsahan sa isat isa.

Sila ang inaalagaan kong sugat,
Ang kirot na lumalangoy sa bawat ugat at kalamnan
Ang pilay na humahampas sa bawat buto
Ang maga na dumadapo sa bawat pulgada ng balat.

Kalahati ay nalulunod sa ligaya, samantalang
Kalahati ay gumagapang patungo sa hinahanap-hanap nitong dilim.
At sa dilim?
Hindi kita nais dalhin doon.
Hindi ko kayang makita ang mga mata mong nalilito, nagtatanong.

Kahit na
Sa yong mga mata ipinakita ang sariling kong impyerno
Sa yong mga balikat idinantay ang buo kong kabulukan
Sa unan mo inihabilin ang mga pangakong walang laman

Hanggang sa muli.
Hanggang sa muli.
Aking kalahati.

8 comments:

  1. Ahhhh! Lam ko yan...
    Yan ba poem ay pang doble-kara? nyahaha
    yung isa kasi ay babae, mahaba yung buhok eh. nyaha!

    ReplyDelete
  2. @rosyel:
    Nyah. Awts ba? :(
    Anjan naman c... Hehe. Joke lng. ;)

    @monwil:
    Hehe. Nde naman pang-doble kara.
    Pero ung first part, hanggang don sa "Dati kaming masaya", lalaki nagsasalita.
    Tas sa baba non, babae naman. Hehe. ;)

    ReplyDelete
  3. @_kringle: hala! cge nga sino? hihihi...

    ganon pala iyon... hindi ko masyadong inintindi. hehehe

    ReplyDelete
  4. E di yung seatmate ko sa office?
    Na mei gig sa 6UG sa Sabado?
    Ahihi. Ahihi. Ahihi. ^_^

    ReplyDelete
  5. nyaha!!! *blush* (ang landi. hihihi)

    ReplyDelete
  6. Nakakalungkot naman yan... Huhuhu!!!

    @monwil:
    Pang-doble kara???? MEI GANUN!?
    Heheheh :p

    @rosyel:
    Ayee... Kinilig... :p

    -@ntonymous

    ReplyDelete
  7. @@ntonymous: nyaha... hindi naman masyado. hihihi

    ReplyDelete