Sunday, December 19, 2010

Rest In Peace, Lola.


Nung mga bata pa kami, laging bumibisita si Lola Soly sa bahay. One tricycle away lang kasi kaya after lunch ay nasa bahay na sya. Kapag narinig ko na yung tricycle, excited na ko. Kasi alam ko na may pasalubong ulit sya samin. Hello Panda, Yan Yan, Choco Mallows, Potchi.. Madalas din nya kami bigyan ng pera ni Dino. Malutong na 10 or 20 peso bills. At coins para ihulog sa red piggy bank namin. Naaalala ko pa na bago nya ibigay yung coins, sinasabon nya muna at binibilad sa araw. Inaalam din nya ang serial number ng pera na binibigay nya. Nagkukupitan kasi kami ni Dino. Hehe.

Si Lola Soly din ang laging nagpapa-tulog samin sa hapon. Required matulog. Kapag hindi natulog, hindi makakalaro sa labas. May mga araw na natutulog talaga ako. At may mga araw din na hindi talaga ako madapuan ng antok. Kaya ang ginagawa ko, nagbibilang ako ng 1-100. Feeling ko kasi noon, matagal na oras na ang lilipas kapag nakabilang ako ng ganun kadami. Pagkatapos, aakting ako na parang bagong gising. Paunat-unat, papunas-punas ng muta, pahikab-hikab. Minsan pinapabalik nya ako sa kama. Minsan naman hinahayaan na lang nya ako.

Matigas ang ulo ko noon. Kapag may sinabing bawal, lalo kong ginagawa. Bawal daw ako uminom ng softdrinks. Pagdating sa school, ginagawa kong tubig ang softdrinks. May araw na umuwi akong may hawak na Zesto Cola. Pagkakita ni Lola Soly, pinagalitan nya ako. Sabi ko, juice lang yun. Nagalit sya dahil ginagawa ko daw syang tanga. Akala ko kasi hindi iisipin ni Lola Soly na softdrinks yun. Zesto kasi. Akala ko kapag Zesto, juice. Ako pala yung tanga. Hehe.

October 2004 nung unang na-stroke si Lola Soly. Tatlong araw syang na-confine sa hospital para ma-monitor ng mga doktor. Wala naman nakitang problema kaya pinauwi din sya kaagad. After 1 week, na-stroke ulit sya. Naapektuhan na yung speech at motor skills nya. Nung ma-discharge sya sa hospital, napag-desisyonan na sama-sama na kaming titira sa isang bahay para maraming mag-aalaga at magbabantay sa kanya. Kumuha kami ng physical therapist para tulungan sya na maibalik yung dati nyang kakayahan na kumilos. Kaming magkakapatid ang nagsasalitan sa pag-assist sa kanya kapag kailangan nyang mag-exercise ng braso at binti. Binigyan din sya ng mga gamot para sa utak at sa pag-regulate ng blood pressure.

Hindi ko na maalala kung kailan yung third stroke nya pero doon nagsimulang manghina si Lola Soly. Hindi na nya kayang maglakad ng mag-isa, hindi na masyadong malinaw yung pagsalita nya at unti-unti na rin syang namayat. Ganun pa man, nagpapasalamat kami kasi hindi na naulit yung stroke niya sa loob ng ilang taon. Lagi namin sya sinasabihan na magpalakas sya para makagala ulit kami sa mall kasama sya.

November 29 nung na-stroke ulit si Lola. Katulad nung nauna nyang stroke, tatlong araw lng sya na-confine sa hospital. At katulad din nung nauna nyang stroke, after 1 week, sinundan ulit ng mas malala. Aftershock, kumbaga. Hindi na sya makausap at lagi na lang syang natutulog. Hirap na yung paghinga nya kaya kinabitan na sya ng ventilator. Sobrang irregular din ng heartbeat nya kaya may dalawa pang machines na nakakabit sa kanya para don. Nakita sa huling CT scan nya na halos kalahati na ng utak nya yung mei bara. Sabi ng doctors, prepare for the worst na daw. Lagi naming pinagdadasal na sana gumaling pa sya. Na sana makasama pa namin sya ngayong pasko. Pero habang tumatagal, lalong lumalala yung kalagayan nya. Kahit masakit, pinagdasal ko na kay God na i-release na Nya si Lola sa paghihirap nya. Binubulungan na sya nila Mama at Tito Arnel na kung sinusundo na sya ni Lolo, pwede na sya sumama. Kung nahihirapan na sya, pwede na nya kaming iwan.

December 17. 4am. Nagising ako sa tunog ng telepono. Naisip ko, dalawa lang naman ang pwedeng tumawag ng ganung oras. Pwedeng tawag ni Tito Rico from US para kamustahin si Lola or pwedeng tawag ni Tito Arnel from the hospital. Ayokong sagutin. Ayokong malaman kung sino yung tumatawag. Pero wala akong choice. Ako yung nagising. Pagsagot ko, si Tito Arnel ang nasa linya. Marami pa syang sinabi to cushion the blow, pero wala na akong maalala sa mga sinabi nya. Ang natatandaan ko na lang nung sinabi nya na wala na si Lola.

Two nights lang yung wake kasi gusto nila Mama na Sunday yung interment. Nakakatuwang marinig yung mga kwento ng ibang tao about kay Lola. Lagi daw syang nakangiti, masayahin at pala-kaibigan. Kinuwento nila kung paano sya naging second mom or second Lola sa marami. Nakakatuwang isipin na marami syang na-touch na tao. Na maraming nagmamahal sa kanya bukod sa amin.

Mami-miss ko yung mga times na habang nagco-computer ako, magri-ring yung bell nya. Tapos itatanong nya sakin kung anong oras na. Rounded-off yung sinasabi kong oras. Kapag 4:10 na, sasabihin ko 4pm. Kapag 4:20 na, sasabihin ko 4:30. Minsan nakakalimutan ko na sinabi ko na kanina na 4:30 tapos next time na magtanong sya, nagtataka sya kung bakit 4:30 pa rin. Hehe.

Mami-miss ko yung kapag tinatawag nya ako sa kwarto tapos ipapa-smile nya ako. Tapos tatanungin nya kung kailan matatanggal yung braces ko. Kasi ang tagal-tagal na daw.

Mami-miss ko yung madalas na pagtanong nya kung naka-lipstick ba ako. Kasi daw ang pula ng labi ko. Tapos sasabihin ko natural yan. Tapos sasabihin nya na mana daw ako kay Lolo.

Mami-miss ko yung mga kwento nya. Nung panahon ng gyera, nung dalaga pa sya, nung nanliligaw pa lang si Lolo. Kahit paulit-ulit, ok lang. Kasi yun yung mga times na matagal ko syang nakaka-usap.

Lola Soly, mami-miss ko kayo. Sorry kung hindi na ako masyado nagpupunta sa kwarto nyo. Kung mas madalas lang ako nakaharap sa PC. Hindi nyo na ako makwentuhan kasi parang lagi akong busy. Sorry kung late na ako nakauwi nung gabi bago kayo ma-stroke. Sabi nila Dino, pinapunta nyo daw sila sa kwarto. Tapos tinanong nyo sila kung ano yung gusto nilang Christmas gift. Tapos ni-hug at ni-kiss ka daw nila. Gustong-gusto mo daw kasi kapag hina-hug ka namin. Sorry hindi ko na ulit yun nagawa.

Lola Soly, we know you're in a much better place now. Finally, kasama mo na ulit si Lolo Marcy at si Papa Jesus. Please continue to watch over us. And please visit me in my dreams. In my dreams lang po ha? Hehe. We love you so much. May you rest in peace.

18 comments:

  1. Condolence po. Naalala ko din nung Ondoy nakakwentuhan ko din si Lola Soly. Kinukwento niya na hindi ganun yung kalagayan niya dati, yung mga anak nya, atbp. Lola Soly, may you rest in peace.

    ReplyDelete
  2. Yup, madami xa kwento noh? Di nauubusan. Hehe. Thanks.

    ReplyDelete
  3. Condolence sa family niyo, Kringle.

    ReplyDelete
  4. condolence kringle. Natuwa at napangiti mo ako sa memories mo about your lola. I know she's happy now :)

    ReplyDelete
  5. Hehe. Andme pa ngang iba na nakakatuwang alalahanin.. Salamat Charlie.. :)

    ReplyDelete
  6. Lola Soly, dalawin mo si Kringle...........................

    (sa panaginip)

    hehe... oi.. kasama nya na si Papa Jesus, wag na tayong malungkot. She's now in her best self.
    Ang ganda ng memories nyo, its good na naalala mo pa, at sinulat mo para hindi natin makalimutan.

    See you soon Kring.

    ReplyDelete
  7. Adik, wag gnun. Hehe. Yah, will see you later cguro. Kung maabutan ko kau. Hehe.

    ReplyDelete
  8. my condolences kringle.. pati sa family mo. sa totoo lang pinaiyak ako nitong blog entry mo. ayan tuloy lumala yung sipon ko. :( naalala ko kasi yung lola ko nung iniwan nya kami. :'(

    -Rochelle

    ReplyDelete
  9. "Bukas paggising ko
    Nandyan ka na muli
    Sa aking tabi
    At ikukwento mong mga nakita mo
    Habang tayo’y magkalayo
    Hanggang sa muli
    Ingat ka..."
    - Walang Paalam - Sugarfree

    Just heard this song. try mo pakinggan. just want to share too. Condolence and God Bless =)

    ReplyDelete
  10. @Chelle:
    Salamat, paxenxa sa sad effect ng entry ko.. Think of d happy memories.. :) *hugz*

    @Jeyps:
    Mejo scary yung thought na "Bukas pggcng ko nanjan kna muli sa aking tabi.." Hehe. Pero tama, walang paalam.. Kc I'll see her again naman in the after life.. Will listen to the song.. Thanks. :)

    ReplyDelete
  11. condolence girl and to your family.
    nasa mabuting kalagayan na sya ngayon, we'll pray for her.

    ReplyDelete
  12. condolence kring, *hugs*
    -yel

    ReplyDelete
  13. Hey! Napangiti ako sa blog mo... :) Lamo nung ngtxt c frnz last Fri tas sinabi ko yung news kay Crissy, naalala niya yung first encounter nya sa lola mo. Wala lang.. :)


    Condolence po.. Sorry di kami nakapunta sa wake.. Basta kasama siya sa mga dasal nmen..


    @Jeyps: Kinalibutan ako sa lyrics. Hehe.

    ReplyDelete
  14. @Yel:
    Salamat.. *hugz*

    @Roxie:
    Ah tlga? Ok naman ba ang encounter na iyon? Hehe. Yah, kilala nga xa ni Lola. Ok lng, naintindhan ko naman.. Thanks sa prayers.. :)

    KiNILAbutan! Hindi kinalibutan! :P

    ReplyDelete
  15. @Krngl: Onga. Antuk pa kasi ako. Ilang beses ko pang nitype. Narealize ko na mali pala yun nung pinost mo na yung comment ko. Hehe. Adik.

    ReplyDelete
  16. Hehe. Bilis magpost e noh? Halatang walang ginagawa. ;))

    ReplyDelete